Thursday, March 30, 2006

Ang Paboritong Libro Ni Hudas

Ang Paboritong Libro Ni HudasI came accross one of the bulletin boards and saw this post. I think we should give credit to the originator of this post which is, for the information of everyone, Bob Ong - from his book "Ang Paboritong Libro Ni Hudas". Check out the book - so funny! It only costs Php 150.00 at National Bookstore but sobrang sulit. If you're feeling mushy or down, this is the best book to read since it will make you laugh and even wonder if si Bob Ong eh tao nga ba?! Ibang level ang imagination nito.

Mga Pamamaraan sa Pagpapatiwakal

I.
Bago ang lahat, alamin muna ang tamang dahilan ng pagsu-suicide. Kung ang problema mo ay dahil lang sa iniwan ka ng minamahal mo, di ka dapat magpatiwakal! Hello?! Ang mundo ay tambak ng mga tao na pwede mong mahalin kaya di ka dpat mawalan ng pag-asa.

II. Ngunit kung desidido ka na sa gagawin mo at sa tingin mo ay meron kang tamang dahilan para gawin ito, ang sunod mong gagawin ay ang pagpili ng paraan nito. Ang mga popular na paraan ay ang pagbigti, pag-inom ng lason, paglaslas, pagbaril sa sarili at pagpigil ng hininga.

(Note: 1. Tandaan na maari ka pang mabuhay pagnagkamali ka sa pagsasagawa ng mga nabanggit, kaya pumili lamang ng isa na hiyang sayo.)

(Note: 2. Alalahaning dyahe kung pagtitinginan ng mga tao ang mukha mo sa ataul na mukha kang dehydrated na langaw.)

III. Sumulat ng suicide note. Eto ang exciting! Dito mo pwedeng sisihin lahat ng tao, at wala silang magagawa! Sabihin mo na di mo gustong tapusin ang iyong buhay kaso lang bad trip silang lahat! Pero wag ding kalimutang humingi ng tawad sa bandang huli para mas cool.

(Note: Tandaan na importanteng gumawa ng suicide note pra malaman ng tao na ngsuicide ka at hindi na-murder! Sa ganitong paraan maiiwasan ng PNP ang pagkuha sa kalye ng kahit sinong tambay para gawing suspect.)

IV. Pumili ng theme song. Banggitin ang iyong special request sa suicide note at ibilin na patugtugin sa libing.

(Note: Iwasan ang mga kanta ng Salbakutah! Jologs!! Dapat medyo mellow at meaningful.. para gayahin ng iba!)

V. Isulat ng maayos ang suicide note. Print. Iwasan ang bura. Lagdaan.

(Note: Ilagay ang suicide note sa lugar kung saan madaling makita. Idikit sa noo!)

VI. Planuhin ang isusuot. Isang beses ka lang mamatay kaya dapat memorable ang get-up. Pumili ng telang di umuurong o makati sa katawan.

VII. Magpareserve ng de-kalidad na kabaong. Maganda ang kulay na puti, mukang komportable. Huwag magtipid.

VIII. Pumili narin ng magandang pwesto sa sementeryo. Pumili ng di masikip.

(Note: Kung ikaw ay nabibilang sa Year of the rat, dragon, rabbit, tiger, beef or monster. Wag na mamili ng lilibingan sapagkat ang mga nabibilang sa taon na ito ay dapat i-cremate at gawing foot powder, para gumaan ang pasok ng pera sa mga naiwan.)

IX. Itaon ang araw ng iyong pagsu-suicide sayong favorite number sa calendar para masaya!

X. Kung naplano mo na lahat-lhat, magisip ng mabuti at paulit-ulit! Isipin na ang gagawin mo ay hindi kanais-nais at lubhang makasalanan! Pero pag desidido ka talaga... Good Luck!

No comments: