Friday, August 18, 2006

Bakasyon Grande... Kamusta Naman?!

Hay... masaya ang buhay ko ngayon... balik probinsiya, balik Iloilo. Ganun pa rin naman may konting pagbabago pero parehong buhay pa rin. Tahimik, simple, walang gaanong pinuproblema. Panandaliang pagbabago... next week balik naman sa dating ingay ng Maynila.

Hay... so far wala akong marereklamo sa mga pangyayari sa buhay ko. Masaya ako sa trabaho (sa wakas!) at sa iba pang aspeto ng buhay ko. May bago akong pad... oh di ba chuchal! Kaya lagi na lang akong biglang nawawala sa floor pag-out ko na kasi umuuwi ako agad. Gusto ko lang lagi nasa bahay kasama si Moks. Pagnagmo-mall kami lagi kami sa Ace Hardware, Homestore, SM Appliace... basta mga puro pangbahay. Minsan gusto ni Moks dumaan ng Toy Kingdom pero siyempre hindi ako pumapayag... kaya madalas dun nagkakatampuhan. Hehehe!

Hay... marami ring mga nagbabagong tao sa paligid ko... dumadami ang mga kaibigan ko pero meron din naman pakiramdam kong nawawala na. Ok lang. Kung maalala ako - nakakataba ng puso. Kung hindi naman - deadma na lang. Basta ako tuloy lang sa agos ng buhay nandiyan man sila oh wala. Ang importante ako hindi nakakalimot, kalimutan man ako.

Hay... andito lang ako sa coffee shop ngayon nagkakape kasama ang isa ko pang long time friend na totoo saken. Kanya-kanya kaming dala ng laptop. Getting in touch with people na malalayo sa amin. Pero ang weird no? Nandito kami nakikipag-usap sa mga taong malalayo sa amin pero dahil dun... kaming dalawa di makapag-usap. Hahaha! Mamaya na lang sa pagkain namin ng talaba...

Hay... namimiss ko si Moks!