Saturday, July 08, 2006

Isang araw sa huddle room...

Isang araw sa Huddle Room... (maingay na background)...

Lance: Ano sa tingin mo?

Jing: Hayaan na lang natin. Sumabay lang tayo sa agos.
Lance: Hay, ano kaya ang mga susunod na mangyayari?
Jing: Basta sabay lang. Dati kasi masyado nating inuga ang bangka, ayan hinulog tuloy tayo.
Lance: Well, marunong ako lumangoy.
Jing: Mababaw ang dagat.
Lance: Naman! Hanggang leeg lang naman. Kayang lakarin papuntang pampang.
Jing: Kahit magyosi pwede...
Lance: Haha! Kaya natin 'to. Kakayanin...
Jing: Tama ba naging desisyon natin Lance o nagpadala lang tayo sa emosyon?
Lance: Pwedeng ganun na nga... pero nung mga panahon na 'yun kinailangan eh...
Jing: Namimiss mo ba?
Lance: Oo naman. Marami akong namimiss.
Jing: Ako din eh. Tingin mo makakabalik pa tayo? Gusto mo ba bumalik?
Lance: Gusto... pero hindi rin eh. Imposible na. Wala naman akong pinagsisisihan.
Jing: Ako din. Di din naman ako nagsisisi. Nakakamiss lang. Mahirap din kasi dito...
Lance: Buti nga magkasama tayo.
Jing: Buti na nga lang...
Lance: Hay iba-blog ko 'tong usapan na 'to.
Jing: Hahaha!

...at nagsimula na ang meeting ni Bam...

1 comment:

siyoktong said...

...at sabi nila, maraming nalulunod sa dagat. kase sila, di marunong lumangoy.e tayo, magaling lumangoy no! pero minsan pala, kahit marunong ka lumangoy, at kahit mahilig ka sa dagat, hindi pala masaya kapag mag-isa lang. yaan mo, maraming isda sa dagat..tuturuan ko na lang silang magsalita para me makausap ako.... I miss you letse!