Monday, April 24, 2006

Burst

Wait!
You said I am the one, yet I sometimes feel alone, unattached.
You gave me wings to fly, yet I sometimes feel I just deserve walking.
You offered me the world, yet I still feel so small for the world.

Wait?

Once we talked about life and tomorrow.
You told me I mean everything to you...
It sounded so cliche, but I did believe you.

Wait...

But why am I feeling this?
Oh well, what I feel I can't define.
But I know it's there, waiting... asking?
There's so much I should be thankful for.
So many great things done, nobody has ever let me exeperince.
You offered me a lot... is it too much for me to consume?

Wait,

But why?
Why do I feel this way?
Amidst all the sacrifices and the great things we shared,
There is still some stones left unturned, business unfinished.

Oh wait.

I think it's not you, it's me... oh crap, and yet another cliche!
All I know is, everytime we are together...
"You let me feel so good I have a lot to thank for - and at the same time...
I feel so less about myself."

I am still waiting for eternity of tomorrow...

Saturday, April 15, 2006

Si Mababaw at Si Malalim - Walisan natin!

Matagal ko na 'tong alam pero uulitin ko: Ganito pala talaga ang buhay. May lungko't at saya... hirap at ginhawa... kailangan mo lang sumabay sa agos at patuloy na mangarap. Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo pero pilit mo pa ring gagawin ang lahat para lang maging masaya.

(Matagal ko na 'tong alam pero uulitin ko: OC ako! Kasi siguro kasama ko ang mga OC... tatlo kami sa iilang masasabing OC sa grupo ng mentor-at-heart... ako, si Mel at si Jing. Kasama rin namin si Fwend Blue, masasabi ko ring OC siya - Obsessed-kay-C?!. Andiyan din si Louie, JR, at Meebo (isa siyang Shih Tzu na Rat na pinsan ni Bugs Bunny) mga importanteng tao (oh daga) sa buhay ng iilan sa amin. Samahan niyo kami sa isa't kalahating araw ng paglalakbay...)

May mga taong palagi mong gustong makasama sa lungkot at saya, isabay sa agos... pero minsan talaga kinakailangan mong maglakbay ng mag-isa o kasama lamang ang iilan. Masakit man isipin pero tulad ng ipinapayo ng nakararami sa atin, kailangang tanggapin. Hindi kasi tayo magiging masaya kung perpekto ang lahat. Hindi rin tayo makukuntento at patuloy tayong maghahanap ng iba. Hindi natin mabibigyang halaga ang mga taong may malaking naging bahagi sa buhay natin kung patuloy natin silang kasama.

(Anu ba 'yan! Kakalungkot naman dahil hindi namin nakasama ang ibang mga kaibigan naming mga "mentors". Hay, hay, hay... Ewan ko ba bakit inaatake ako nang pagiging OC. Bawat kalat na makita ko sa daan habang naglalakbay kami gusto kong walisan. Walis oh walisan yannn!!! Maya-maya naririnig nila sa akin - Ang sarap walisaaannnn! *Nora Mode*. Matapos ang unang gabi sa "resort" akala namin matatapos na ang "outing" ng hindi pala ganun kasaya... ngunit nagsisimula palang pala ang lahat... ang kalat oh... daming dahon walissaannnn yannnn! *Nora!*.)

Sa mga pagkakataong ganito na wala kaming iniintinding mga kols at mga insekto sa pailigid, masarap talaga isiping kumpleto kaming sumsaksi sa aming paglalakbay. Pero wala rin akong magawa. Iba na ngayon. Iba na ang lahat. Kailangang tanggapin na hindi na maibabalik ang dating kasiyahang nadarama at nakukuha namin sa isa't isa. May mga naiwan, may mga lumisan dahil kinakailangan, mayroon din namang iilan na nagpasiyang lumipat ng tirahan. Masakit mang tanggapin pero kaming apat ang ilan dun sa mga piniling magbago ng tirahan at iwanan ang mga ilan sa aming lumang tirahan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa kabila ng pangungumbida at pangungumbinsi sa mga naiwan, lumisan at lumipat... kami-kami pa ring apat ang magkakasama. Siguro nga ito na ang bagong yugto ng bagong samahan... bagong bahay bagong tirahan, siguradong may mga darating na bagong makikilala naming apat na mga kasambahay. Pero ang mga taong nakasama't nakasalamuha't nabahagian namin ng aming buhay at tumanggap sa iba't iba naming personalidad ay nandito lang sa aming puso.

(Kinarir talaga namin ang pagsakay sa likod ng truck. Ganun pala ang hitsura ko kapag sobrang mahangin sa labas! Wahehehe... pero wag ka, kahit saan sige lang kami ng sige. Napadpad nga kami sa dating pinapasukang paaralan ni Jing nung kolehiyo... sa UPLB lang naman! Sayang at sarado ang Botanical Garden nung nagpunta kami. Mahal na araw kasi eh. Kaya sa labas na lang ng gate kami nag-almusal. Makaagaw pansin ang kagandahan ng paligid. Palagi kasi kaming nasa siyudad kaya iba ang pakiramdam pagmakita mong napalapit ka na naman sa kalikasan. Pero wala nang mas-aagaw pa ng atensiyon ko kundi ang iba't ibang kulay ng mga nahulog na dahon sa daan. Naisipi ko tuloy... WALISAN KO KAYA?! Wuhooo.... walisan yannnn... walis walis!!!)


Kayo na nakasama namin sa lungkot at saya. Kayo na tumanggap ng mga pagkakamali at kahinaan namin sa buhay. Kayo na naniwala sa aming kakayahan at kakayahan ng isa't isa. Kayo na walang tigil na nagpapapa-alala sa amin na nawala man ang mga umaruga at nagbigay-gabay sa atin, nandiyan lang kayo na mga kapatid namin - kuya, bunso, kakosa, kapuso, kapamilya, ka-mentor - patuloy na gumagabay sa isa't isa. Kayo na sa kabila ng kakulangan ng isa't isa sa atin bilang tao ay patuloy na naniniwala at ni minsan hindi nakuhang manghusga at higit sa lahat natutong tanggapin ako - kami bilang tao... hinding-hindi namin kayo malilimutan at patuloy kayong magiging bahagi ng aming buhay.

(Sana nga nakikita ng iba naming kaibigan at maranasan din nila ang nararamdaman namin ngayon. Masaya kami. Nag-enjoy at in-enjoy talaga namin ang araw na ito. Sige ligo sa pool... akyat sa bundok... pichurr pichurr... puro kalokohan at tawanan. Si Jing andaming bloopers. Sana ikuwento niya lahat ng bloopers niya sa blog niya. Wahehehe! Pababa na kami ng bundok nun at sa gilid kami ng batis dumaan. Ang ganda ng view... kanya-kanya nga kaming kuha ng pichurr. Tapos sa gilid ng isang naka-arkong tulay... may nakita ako. Kasabay ko si Louie nun, naglalakad. Pahabol kaming naglalakad sa mga kasama namin kasi naiwanan na kami kaka pichurr. Nagulat si Louie nang bigla na lang ako huminto... nakita niya kung ano naka-agaw ng atensiyon ko. Sa gilid ng tulay... may nag-iwan ng... W-A-L-I-S! Napansin ko nakita ako ni Louie... sabi ko sa kanya *excited na excited* - Walis oh! Walis oh! Tignan mo may nag-iwan ng walis. *Kung di lang niya ako pinilit sumunod na sa nga nauna sa amin kukunin ko talaga yun at magwawalis ako... ang dami kayang dahon na nakakalat!*)

Siguro nga iba na ang aming bahay... iba na ang aming makakasalamuha... iba na ang gagabay sa amin, ngunit ito lang ang masasabi ko at patuloy kong paniniwalaan. Saan man kayo o kami naroroon, sa simula't sapol iisa na ang ating paniniwala, paninindigan at buo ang pagapapahalaga't pagmamahal natin sa isa't isa. Kaya sa patuloy na pag-agos ng buhay ng bawat isa sa atin alam kong naririyan lang kayo na handa pa rin sa anumang pagkakataon at sa mga panibagong tawa ng buhay... hindi man madalas... ngunit sige lang... paminsan-minsan, pangilan-ngilan... okay lang yan'.


(Pauwi na kami... nakakpagod. Pero masaya naman. Pupunta pa sana kami sa Tagaytay bago umuwi kaya lang napagod na kaming lahat. Hindi rin kami mag-eenjoy kaya nagpasya na lang kaming dumiretso ng Makati. Balik sa dating buhay. Naku, mamimiss ko 'to. Kaya lang sa kabila ng kasiyahang naramdaman namin, iisa lang pinagsisisihan ko... sa dinami-dami naming naadaanang dahon... wala man lang akong ni-isa dun na nawalisan... arghhh!!!)


Mabuhay kayo mga kapatid kong Warblade... mga kapatd na Raven... mga MENTORS!

Ako lang naman 'to:
Si Mababaw - Walissannn yannn! Walis paaa...
Si Malalim - Mahal ko ang Mentor Team.

Wednesday, April 05, 2006

Special Memory

You will always be a special part of me
You will always be a special memory
I`ll always cherish wonderful moments,You have given me
You are in my heart, Wherever I may be...




All the times we shared will always be to me
Songs my heart will sing refreshing melodies
I`ll put together all of our laughter, Like a symphony
I`ll remember WARBLADES wherever I may be




I`ll put together all of our laughter, Like a symphony
I`ll remember you - MENTORS - wherever I may be
I`ll remember you - WARBLADE - wherever I may be
I`ll remember you - RAVEN - wherever I may be. - NORA!