Thursday, July 26, 2007

Petixxx Mode - ON

Ang tagal... sobrang tagal na since my last post. Ang dami nang nagbago. Mahirap isa-isahin lahat... but everything's well. Yun ang importante.

Sa tagal ko nang hindi bumibisita sa blogsite ko, hindi ko na alam kung pano pumunta. Sa bahay kasi naka bookmark naman siya so madaling i-click. Dito sa office I'm starting from scratch. I tried
http://www.blogspot.com/lanskydgreat. Maraming beses. Maraming ulit. Pero ayaw pa rin. I even checked the spelling kung tama. Naisip ko na lang... baka inactive na yung account ko.

I logged in to my account and was relieved to find out na andun pa naman yung dashboard ko and my old posts. I thought kailangan kong mag republish kahit yung recent post lang para ma-activate... yun pala... ang URL dapat eh:
http://lanskydgreat.blogspot.com.

Hay... hindi ko alam san magsisimula. I didn't even intend to update my blogsite kasi naman post lang ako ng post ng pics sa multiply account ko and I think ok na yun kesa mag-blog. Wala lang talaga akong magawa dito sa office for the past 4 days... lahat ng website ata na gusto ko i-visit na-visit ko na... nagtetext ako sa friends ko na mag-online para lang may makausap ako pero kulang pa rin. Kaya eto nagpost na lang uli ako.

Not updating my blogsite is not a decision... nangyayari lang siguro talaga na tatamarin ka. And besides, I've been so busy... emotionally. Maraming nangyari.

My Singapore job didn't push through. As what I'm expecting sasabit nga ako sa isang paper screening sa SG re: credit background. Kaya kayo, if you have credit card accounts wag kayo maging delinquent payer na kagaya ko if you want to work in a bank abroad... hehehe!

Pero tinuloy ko pa rin yung resignation ko. Because I need to push myself. I need to pressure my self. That's why I took the risk. I created that risk. Otherwise, hindi ako mag-i-improve sa work ko. If things are not working for me sa previous company ko then I need to look for better opportunities. And I've found it.

Masarap bumalik sa day job. Masarap magwork kapag nagagamit mo yung pinag-aralan mo. At ang pera hindi lang nasa call center... nasa IT industry din! More petiks na... techy ka pa! At hindi pa nakakabobo.

Hindi na rin ako taga Mandaluyong... taga Cubao nako. And I love the place. It's more than twice as big as my previous pad. May garahe pa! Nadagdagan na rin kami ni Moks sa bahay... I have a new baby... si Kloe... our 3 month old Shih Tzu.

Andaming pagbabago... ang daming challenges... at and DAMING blessings! I should really stop navigating my life. Masarap pala yung ganun. Thank God! And thanks to my friends who've always been there. Special mention to Fwend Mel and Blue... Ayayu both! To Ella and Julie na katelebabad ko (3-way) for 4 hours gabi-gabi sa phone... to Mimi, Jane, AJ and Papi - miss ko na kayo! At ang kachokaran kong si Marj siyempre. :) To my mentor Friend Claudia... THANKS!

Hay... 3 more hours to kill... matatapos na yung blog ko wala pa rin akong gagawin... oo nga pala... July 26 ngayon... 3 years na sana ako sa CVG! (Buti na lang wala nako dun... I'm not proud I was part of that company.)