Bakit ang daling masaktan at makasakit kesa maging masaya at makapagbigay-saya? Ang daming kwento sa paligid ko ngayon. Mga nangyayari sa kaibigan tungkol sa buhay, sa pag-ibig, sa relasyon...
Minsan nga hindi lang nila kwento pero kwento ko na rin. Karanasan ko hindi rin naman sa ibang tao pero sa kanila. Ang gulo nu?! Ako mismo naguguluhan pero ganun talaga.
May isa akong kaibigan na sobrang close ko. Wala akong magawa sa inis ko sa nangyari sa kanya kaya ako na lang ang umiiyak habang nagbibigay ako ng advice. Masakit sakin makitang nasasasaktan ang mga kaibigan ko. Gusto ko siyang iganti! Bakit kasi may mga tao dito sa mundo na pinanganak na walang konsensiya?! Gusto kong guluhin ang buhay niya. Gusto kong iparamdam ang ginawa niya sa kaibigan ko. Hindi birong sitwasyon ang sinasabi ko. Di ko man makwento dito ng detalye kasi buhay nya yun at hindi akin, pero masyadong kumplikado ang sitwasyon. At ang kapal ng mukha niyang gawin yun sa kabila ng pagpapatawad at pagtanggap sa kanya.
Pero... bakit ito naman ang nararamdaman ko. Bukod sa sama ng loob ko sa ginawa sa kaibigan ko...masama din ang loob ko sa nararamdaman ko sa isa ko pang kaibigan. Hindi dahil sa ibang tao... dahil sa kanya. Gusto kong isigaw dito pero hindi ko magawa. Gusto ko sabihing bahala siya sa buhay niya at nakalimot siya pero sa sarili ko hindi ko naman pwedeng isawalang bahala dahil hindi ako ganun klaseng kaibigan. Kaya sa kabila ng lahat, ako, kaibigan pa rin ako para sa kanya. Kung kailanganin ako nandiyan pa rin ako.
Minsan talaga nasasaktan tayo sa mga taong nakakasakit sa mga kaibigan natin... at nasasaktan din tayo sa nagagawa sa atin ng kaibigan natin. Sabi nga kasi nila "I'm such a people person."...
Kaya masyado akong apektado...
Friend... I know you're strong and you have strong faith with God kaya kampante ako sayo. Salamat at okay ka.
Fwend... Masama ang loob ko sayo sobra... pero kaibigan pa rin ako sayo, lagi mong masasandalan. (Baka nga may sama ka rin kasi ng loob sakin...)